
Yan ang isang misteryo na bumabalot sa mga Pilipino pagdating sa mga “USO”. Kahit wala nang pera, kahit marami pang utang, kahit hindi naman talaga nagagamit ang lahat ng features ng hawak nyang cellphone ay basta pag may bagong labas na gadget, ay biglang nakakapagmagic at nakakaproduce ng pera para lang makabili! Amazing diba? Alam ko nakagawa ka narin ng “magic” basta GUSTUNG GUSTO mo talaga mabili ang isang bagay.
Para magkaidea ka sa itsura ng mga bagong line ng apple products na ito, watch this video:
Nakakapanlaway diba? GRABE!!!! Haha!
Pero let me tell you a scenario in which you can easily make the BEST decision of your life… Ready ka na?
HINGANG MALALIM! 

So sabihin nating 40K ang iPhone 6.
Ano sa tingin mo ang presyo nya after 5 years?
Yes that’s right. Tama yung naisip mo. THE PRICE WILL DEPRECIATE. Ang presyo nya or ang market value nya ay bababa. By how many percent? Hindi ko alam. Basta sobrang baba. Yung dating iPhone 4 na 20K+ – 30K+ noon ay P7000 nalang ngayon ang 2nd hand! Grabe diba? Ilang taon palang lumipas? Dalawa? Ganun na kababa???!
So what’s my point?
Filipino mindset (in general) is designed to “spend on liabilities, rather than investing on asset.”
Ang mga pinoy ay natrain mula elementary hanggang college to “work, work, and work some more.”
Kung hindi mo napapansin, marami ang nagttrabaho nalang para makapagbayad ng BILLS at UTANG. Mas marami pa yan, keysa sa napundar na assets. (Asset is something na nakakapagbigay sa’yo ng balik na pera. CLICK HERE for definition.)
Oo nga’t sabihin natin na ang iba ay nakakapag-invest sa kagamitan, latest gadgets, sa bahay, mga appliances, mga furniture at kung anu-ano pang “USO” na nasa loob ng bahay. Pero pagdating ng retirement nila, paano na? Benta rin lahat yun? Ganun rin ang gagawin ng mga future generation nya.. And the cycle goes on and on….
Ok, humahaba na ang usapan natin. Let’s get to the MAJOR POINT of this blog.
Kung kaya mong gumawa ng paraan para makabili ng iphone 6, mas kaya mong mag-ipon para makapagsimula ka ng isang INCOME-GENERATING ASSET.

Ito isa sa masusuggest ko:
MAG-NEGOSYO KA.
N-E-G-O-S-Y-O 

Hindi ko sasabihin dito kung anong type of business, tutulungan lang kita mag-isip.
Alam ko na nasa isip mo. “Wala akong alam sa pagnenegosyo.”
So… kailan ka pa magsisimula?
Alam ko nakakatakot dahil “BAGO” para sa’yo. Pero you can start small. Ito, bigyan kita ng guide tip:
1. Hanapin mo ang isang problema ng tao na gusto mo solusyunan.
2. Hanapin mo ang HILIG mong gawin na makakasolve ng problema nila. In short, dapat PASSION mo yung gagawin mong negosyo.
3. Magbasa basa ka or manood ka ng mga videos sa youtube. NAPAKAswerte na ng generation natin ngayon dahil nanjan si pareng GOOGLE at YOUTUBE na LIBRE mo lang makukuha ang mga iba’t ibang idea. EDUCATE YOURSELF. This time, yung hindi tinuturo sa school. Tungkol naman sa pagpapayaman.
Bumisita ka sa National Bookstore, ang dami mong pwedeng maging source of knowledge doon.

I suggest you buy “Rich Dad, Poor Dad” by Robert Kiyosaki. Kung gusto mo ng kopya, e-mail mo ako sa vincentasa676@gmail.comara mabigyan kita ng e-book copy for free. Or subscribe ka sa mailing list ko tapos magreply ka sa isa sa e-mail ko sabihin mo sa akin hingi ka kopya. You can SUBSCRIBE HERE. Tignana mo din kung paano mo siya idodownload para sigurado.
And dun na magsisimulang mabuhay ang entrepreneurial spirit mo. Trust me. You have that in you. Basta ba alam mo ang reason mo bakit gusto mo talaga yumaman. (Dapat sa mabuti ha? Promise?)
Okay, mabalik tayo sa iphone…
Yung 40K na yun magiging 10K in 5 years. Or mas masaklap kung maging lower pa jan.
Pero ang 40K (halimbawa lang) na pangpuhunan mo, kaya mong doblehin, triplehin or basta, palaguhin in 5 years sa pamamagitan ng pag-nenegosyo.
GETS MO?
P.S.
Want to start an immediate business for only P7400? Be an Business Partner of my online business today! CLICK HERE and let’s work together! ituturo ko din sayo lahat ng strategy ko at kung paano mo din gagawing online business yan katulad ng ginagawa ko.
To your online success,

-Vincent Manahan
To your online success,

-Vincent Manahan